PRESIDENT'S MESSAGE
English Translation
It is with great pride and honour that I welcome you all to the much-anticipated HALA BIRA 2022, the celebration of the 25th Barrio Fiesta!
Hala Bira is an Indigenous chant that originated from the Central Philippines which literally means “to dispense all means”, a motto which depicts the spirit of giving, unity and camaraderie amongst the Filipinos. With over 50 holidays throughout the year, celebrating festivals is a big part of the Filipino culture. This year’s Barrio Fiesta is a celebration of strength, resilience, and solidarity.
Inaugurated in 1997, the Barrio Fiesta in Darwin had become our major platform to honour our traditions and share the indomitable Filipino spirit with you. With over 7000 Filipinos living in the Northern Territory, our rich heritage, culture, and identity are manifested through food, music, and values that we selflessly share to all Territorians.
To my fellow Filipinos, we hope that we bring you closer to home at tonight’s celebration. Please enjoy the nostalgic atmosphere, the phenomenal entertainment and most of all, that bayanihan spirit that continues to live within us all.
Happy Fiesta po sa ating lahat!
PRESIDENT'S MESSAGE
Tagalog Translation
May malaking pagmamalaki at karangalan na lahat tayo ay magkakasama ngayong gabi sa pinaka-aabangang HALA BIRA 2022, ang pagdiriwang ng 25th Barrio Fiesta!
Ang Hala Bira ay isang katutubong kasabihan na nagmula sa Kabisayaan na literal na nangangahulugang "ibigay ang lahat ng paraan", isang paniniwala na naglalarawan ng diwa ng pagbibigayan, pagkakaisa at pakikipagkaibigan ng mga Pilipino. Sa mahigit-singkwenta na malalaking pista sa buong taon, ang mga pagdiriwang na ito ay isang malaking bahagi ng kulturang Pilipino. Ang Barrio Fiesta ngayong taon ay isang pagdiriwang ng lakas, katatagan, at pagkakaisa.
Nagsimula noong 1997, ang Barrio Fiesta sa Darwin ay naging aming pangunahing paraan upang igalang ang aming mga tradisyon at ibahagi sa inyo ang walang patid na diwang Pilipino. Sa mahigit pitong libong Pilipinong naninirahan sa Northern Territory, ang ating mayamang pamana, kultura, at pagkakakilanlan ay makikita sa pamamagitan ng pagkain, musika, at mga pagpapahalaga na walang pag-iimbot nating ibinabahagi sa lahat ng mga Territorians.
Sa aking mga kapwa Pilipino, inaasahan namin na mailapit namin kayo sa ating mahal na Pilipinas sa pagdiriwang ngayong gabi. Mangyaring tamasahin ang kapaligiran, ang kahanga-hangang libangan at higit sa lahat, ang diwa ng bayanihan na patuloy na nabubuhay sa ating lahat.
Maligayang pista po sa ating lahat!